Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang pondo ng pamahalaan para sa mga priority project, basta’t hindi ito nauuwi sa korapsyon.
Sinabi ito ng Pangulo sa part 2 ng ikatlong episode ng PBBM Podcast na pinamagatang “Sa Likod ng SONA”, na ipinalabas kahapon.
Iginiit ng Pangulo na kung tama ang paggamit sa pondo, matutugunan ang mga programang kaniyang inilatag sa kanyang State of the Nation Address.
Bilang halimbawa, binanggit niya ang classroom construction, at binalaan ang mga nagbabalak na ibulsa ang bahagi ng pondo.
Aniya, kung may disiplina at wastong paggasta, mas marami pang proyekto ang maisasakatuparan.