dzme1530.ph

Pondo ng DA para sa farm-to-market roads, diretsong ibinibigay sa DPWH

Loading

Walang dumaraan na pondo para sa farm-to-market roads sa Department of Agriculture (DA).

Ito ang nilinaw ni DA-Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering Director Cristy Cecilia Polido sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa kanilang proposed budget para sa susunod na taon sa Senado.

Sa pagtatanong ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian, binigyang-diin ni Polido na bagama’t ang pondo ay nasa ilalim ng kanilang ahensya, direkta itong inirerelease sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasabay nito, kinumpirma rin ni Polido ang impormasyon na dinoble ng Kamara ang pondo ng DA para sa farm-to-market roads para sa susunod na taon, mula ₱16 billion ay naging ₱32 billion.

Ito ay sa kabila ng mga nadiskubreng overpricing at ghost farm-to-market roads noong 2023 hanggang 2024.

Nilinaw naman ni Polido na pag-aaralan nila ang listahan na idinagdag ng Kamara, at kapag natuklasang hindi bahagi ng farm-to-market road network plan ang mga proyekto, hindi nila ito ipatutupad.

About The Author