Naghayag na rin ng pagsuporta si Ako Bicol Partylist Rep. Jill Bongalon, sa planong magpatibay ng supplemental budget para mapunan ang P9-B shortage sa pondo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ang ideyang ito ay unang pinalutang ni Deputy Speaker David Suarez ng Quezon province, matapos tapyasin ni Sen. Imee Marcos sa 2023 budget ang P13-B laan sa 4Ps at inilipat ito sa iba’t ibang social amelioration program.
Ayon kay Bongalon, ang 4Ps ay isang batas na dapat ipinatutupad kaya hindi ito maaring tapyasan o bawasan ang pondo.
Una nito inamin ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts at Social Services na P9-B ang shortage sa pondo ng 4Ps dahil ni-realigned ang budget nito sa CALAHISIDS, AICS at quick response to calamities.
Dahil dito naapektohan ang programa para sa pinaka mahihirap na pamilya sa bansa.