dzme1530.ph

Political system ng bansa, pinaglalaruan ng mga Duterte —Rep. Raoul Manuel

Naniniwala si Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na gagamitin lamang ng pamilya Duterte ang puwesto sa Senado para takasan ang pananagutan sa madugong “war on drugs” at extra judicial killings sa panahon ni Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni Manuel matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte na sabay-sabay na kakandidato sa pagka-senador sa 2025 ang dating pangulo, si Cong. Paolo, at Mayor Sebastian Duterte.

Ngayon pa lamang umano, naghahanda na ang pamilyang ito sa kanilang ambisyon sa 2028.

Para kay Manuel, istratehiya ito upang makahulagpos ang pamilya Duterte sa maramihang pagpatay habang nasa kapangyarihan ang pinaka matanda sa angkan.

Malinaw din umano na pinaglalaruan ng mga Duterte ang political system sa bansa dahil sa mga pabago-bago nilang pahayag.

About The Author