dzme1530.ph

POLITICAL AND FINANCE DEPARTMENT NG COMELEC, NAKATAKDANG MAGLABAS NG RESOLUSYON SA KASO NI SEN. MARCOLETA

Loading

Nakumpleto na ng COMELEC ang imbestigasyon sa umano’y non-disclosure of election donors ni Senador Rodante Marcoleta sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa May 2025 Elections.

 

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na natapos na ng political finance and affairs department ang pagsisiyasat at nakatakda na ang pag-iisyu ng resolusyon sa kaso.

 

Inihayag ni Garcia na ipinunto ni Marcoleta sa counter-affidavit nito, na ibinigay sa kanya ang mga donasyon bago siya ideklarang kandidato, alinsunod sa Supreme Court Jurisprudence sa Penera vs. COMELEC.

 

Sa naturang hatol ng kataas-taasang hukuman, ang mga aspirante na tumatakbo sa ilalim ng automated elections ay maiku-konsidera lamang na kandidato sa unang araw ng campaign period.

 

Batay sa SOCE ni Marcoleta, gumastos ito ng 112.9 million pesos sa kanyang kampanya noong midterm elections, na mas mataas kumpara sa kanyang idineklarang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) na 80.401 million pesos, at wala itong idineklarang donations.

About The Author