Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Police Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay makaraang magtapos ang extended na termino ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. kahapon, March 31, 2024.
Sa memorandum na may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin at naka-address kay Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos, nakasaad na magsisilbing PNP OIC si Peralta hangga’t wala pang naitatalagang kapalit ni Acorda.
Ito ay upang matiyak ang pagpapatuloy ng serbisyo sa publiko ng pambansang pulisya.
Bago ang appointment, si Peralta ay nagsilbing deputy chief for administration ng PNP.