dzme1530.ph

Pokwang, nagsampa ng deportation complaint at cancellation of visa laban sa ex-partner na si Lee O’brian

Ilang buwan matapos kunin ang serbisyo ng isang high-profile law firm, naghain ang actress-comedianne na si Pokwang ng deportation complaint at cancellation of visa laban sa kanyang dating partner na si Lee O’brian.

Kumalat sa social media ang mga litrato ni Pokwang at public interest lawyer na si Ralph Calinisan na nasa Bureau of Immigration, kung saan iginiit ng komedyante ang kanyang mga karapatan bilang ina at babae.

Iginiit ng kampo ng aktres na tourist visa lamang ang hawak ni O’brian bagaman walong taon na itong nananatili sa bansa.

Binigyang diin ng TV host na kailangan mabigyan ng leksyon ang mga taong umaabuso sa batas at sa karapatan ng bawat babae at bawat ina. —sa panulat ni Lea Soriano

Maaaring larawan ng 2 (na) tao at mga taong nakangiti

About The Author