Walang nakikitang paglabag sa batas ang Philippine National Police (PNP) sa planong pagsusuot ng maskara ng mga grupong lalahok sa malawakang rally sa Setyembre 21.
Ayon kay PNP spokesperson BGen. Randulf Tuaño, batay sa Batas Pambansa 880 ng 1985, tanging ipinagbabawal lamang sa mga rally ang pagdadala ng armas, bladed weapon, at ang paggawa ng vandalism.
Nabatid na magsusuot ng maskara ang mga makikilahok bilang pagpapahayag ng kanilang saloobin laban sa katiwalian at korapsyon sa bansa.
Dahil dito, naka–full alert status na ang National Capital Region Police Office.
Dagdag pa ni Tuaño, paiiralin ng PNP ang maximum tolerance at pinapayagan ang mga raliyista na magpahayag ng kanilang saloobin basta’t may kaukulang permit at sa mapayapang paraan.
Kanila pa rin uanong isasangguni sa kanilang legal service ang usapin ng pagsusuot ng maskara sa mga rally kung sakaling may makita itong paglabag.