dzme1530.ph

PNP, wala pang ipinatutupad na bagong balasahan matapos ang resolusyon ng NAPOLCOM

Loading

Wala pang tugon ang Philippine National Police (PNP) matapos ipawalang-bisa ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ginawang revamp sa matataas na opisyal nito.

Ayon kay PNP Directorate for Personnel and Records Management Director, PMGen. Constancio Chinayog Jr., wala pang ibinibigay na direktiba sa kanya si PNP Chief, Gen. Nicolas Torre III na magpatupad ng balasahan.

Kumalat kamakailan ang kontrobersyal na resolusyon ng NAPOLCOM na nag-uutos na maibalik bilang number two man o Deputy Chief for Administration ng PNP si Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr..

Dahil dito, mananatili pa rin bilang commander ng Area Police Command–Western Mindanao si Nartatez at mananatili rin sa kani-kanilang mga puwesto ang 12 iba pang opisyal.

Wala pa ring komento si PNP Chief, Gen. Torre, sa isyu, maging si PNP spokesperson, BGen. Jean Fajardo.

About The Author