![]()
Umaasa ang Philippine National Police na bababa ang bilang ng mga aksidente sa kalsada at insidente ng pagkalunod ngayong Holy Week.
Ito ay dahil sa mas mababang bilang ng mga biyahe bunsod pa rin ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, naobserbahan nila na nabawasan ang mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada.
Sa kabila nito, nagpaalala si Tuaño sa publiko na patuloy na sumunod sa safety precautions lalo sa peak travel days upang maiwasan ang hindi kanais-nais na pangyayari.
Noong isang taon, umabot sa 919 ang nasawi dahil sa reckless imprudence mula 800 na naitala noong 2024.
Umabot naman sa 151 na kaso ng pagkalunod ang naitala noong 2025 na higit na mataas sa 90 na kaso noong 2024.
