dzme1530.ph

PNP, TUTULONG SA DSWD PARA MAIWASAN ANG PAGSISIKSIKAN SA YOUTH SHELTERS SA GITNA NG CURFEW

Loading

Palalakasin ng Philippine National Police ang koordinasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
 
Ito, ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ay upang maiwasan ang pagsisiksikan sa youth shelters bunsod ng pinaigting na pagpapatupad ng curfew.
 
Ginawa ni Nartatez ang pahayag sa harap ng posibleng congestion sa mga lokal na pasilidad ng Bahay Pag-asa, kung daan-daang menor de edad ang mahuhuli gabi-gabi.
 
Ipinaliwanag ng PNP chief na ang curfew ay preemptive shield laban sa mga sindikato na nagsasamantala sa kabataan at maglalayo sa kanila sa kriminalidad.
 
Una nang hinimok ng Children’s Legal Rights and Development Center ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na i-reassess ang polisiya dahil posibleng mauwi ito sa arbitrary arrest at pang-aabuso sa kabataan.

About The Author