dzme1530.ph

PNP, tumanggap ng P300-M budget para sa training at edukasyon ng mga pulis

Tumanggap ang Philippine National Police (PNP) ng P300-M mula sa pamahalaan para sa special training at pag-aaral ng mga pulis.

Ito’y upang mapagbuti pa ang kanilang pagpapatupad ng mga batas, partikular sa digital innovations sa gitna ng pag-iral ng cybercrimes sa bansa.

Sinabi ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. na layunin din ng comprehensive training and education programs na paghusayan pa ang investigative at case-building capabilities ng police force.

Kahapon ay lumagda sina Azurin at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ng Memorandum of Agreement para tulungan ng DOJ ang PNP sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills at kaalaman sa mga pulis sa case build-up. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author