dzme1530.ph

PNP, tiniyak ang kaligtasan ni Pastor Apollo Quiboloy sa sandaling sumuko sa mga otoridad

Nanawagan ang Philippine National Police sa puganteng televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na sa mga otoridad.

Kasabay nito ay ang pagtiyak ni P/Maj. Catherine dela Rey, Spokesperson ng Police Region Office 11, sa kaligtasan at seguridad ng kontrobersyal na Pastor sa ilalim ng kustodiya ng PNP.

Sinabi ni dela Rey na ang mga kaso ni Quiboloy na Sexual Abuse at Child Abuse ay bailable naman sa halagang P200,000 at P80,000.

Una nang sumuko ang limang co-accused ng televangelist sa PNP at NBI, at pinakawalan din naman matapos makapag-piyansa.

Idinagdag ni PNP official na nakikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang law enforcement agencies, gaya ng NBI upang matukoy ang kinaroroonan ni Quiboloy.

About The Author