dzme1530.ph

PNP, planong lumikha ng Cybersecurity Division

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang paglikha ng Cybersecurity Division na kagaya sa Cyber Command na i-ooperate ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni PNP Anti-cybercrime Group Director, Major General Sidney Hernia na ang kanilang plano ay matapos iulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang tungkol sa cyber-attacks mula sa mga hackers na umano’y na-trace sa China.

Aniya, plano nila na magtatag ng Cyber Security Center para mapigilan ang posibleng cyber-attacks dahil ang trabaho ng kanilang anti-cybercrime group ay mag-imbestiga.

Samantala, ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., layunin ng proposed cyber command na magkaroon ng kontrol sa lahat ng cyber units sa ilalim ng military.

–Sa panulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author