Nilinaw ng Philippine National Police na matagal nang nabuwag ang “palakasan system” sa recruitment ng mga pulis.
Ang paglilinaw ay ginawa ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo matapos ang napaulat na balita na may ilang bagong recruit sa PNP ang natetengga, at hindi nabibigyan ng unit para pag-trabahuhan.
Dagdag pa ni Fajardo, may mga nauna na silang ipinatupad na polisiya para maiwasan ang “human intervention”, faceless at nameless recruitment process sa PNP.
Aniya, gumagamit din ng QR code sa recruitment upang matiyak na ang mga karapat-dapat lamang na mga pulis ang makakapasa sa pagsasanay.
Samantala, nilinaw rin ni Fajardo na kung may delay man sa recruitment, posibleng may ibang kadahilanan dito. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News