dzme1530.ph

PNP, NBI, ipatatawag sa patuloy na operasyon ng online sabong

Loading

Nais pagpaliwanagin ni Senate Committee on Games and Amusement Chairman Sen. Erwin Tulfo ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng nagpapatuloy na operasyon ng online sabong sa kabila ng pagbabawal dito.

Binanggit ni Tulfo na may dalawang operator ng iligal na online sabong na hindi nagbabayad ng buwis at sumisira pa sa buhay ng maraming Pilipino.

Ayon sa senador, humihingi na ng tulong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa PNP at NBI upang ipasara ang mga operasyon, ngunit wala umanong konkretong aksyon.

Giit ni Tulfo, imposible na hindi alam ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng mga sabungan na ina-access online.

Batay sa impormasyon, isa sa mga operasyon ay nasa Central Luzon at isa sa Region 4-A, na ang may-ari ay mula Cordillera. Giit ng senador, dapat masigurong sarado na ang mga ito bago ang susunod na pagdinig.

Balak ding ipatawag sa Senado ang mga provincial directors ng Batangas at Pampanga, gayundin ang regional directors ng Region 3, Region 4-A, at Cordillera Police.

About The Author