dzme1530.ph

PNP, nanindigang sa hurisdiksyon lamang ng Pilipinas magpapasakop

Nanindigan ang PNP na tanging justice system lang ng Pilipinas ang kanilang kikilalanin.

Ito’y sa kabila ng napaulat na kinontak ng International Criminal Court (ICC) Investigators ang mga dati at kasalukuyang PNP officials na umano’y sangkot sa madugong war on drugs ng nakalipas na Duterte Administration.

Binigyang diin ni PNP Spokesperson, P/ Col. Jean Fajardo na gumagana ang sistema ng hudikatura sa bansa.

Aniya, mayroong mga Korte sa bansa na maaring duminig kung nagkaroon ng pang-aabuso at iregularidad sa hanay ng PNP.

Inihayag ni Fajardo na napatunayan na ito dahil mayroon nang mga pulis na nakasuhan, na-convict, at nakulong.

Reaksyon ito ng PNP kasunod ng rebelasyon ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na mahigit 50 aktibo at dating PNP personnel ang kinontak ng ICC dahil sa pagkakadawit sa Crimes Against Humanity case laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

About The Author