Nananatiling matatag at nagkakaisa ang Philippine National Police.
Ito ang binigyang-diin ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III sa flag ceremony ngayong Lunes.
Sa kabila ng mga hamon, iginiit ng hepe na mas naging matibay ang hanay ng PNP dahil sa malasakit at paninindigan ng mga pulis.
Kasabay nito, ipinakilala na si Lt. Gen. Bernard Banac bilang Deputy Chief for Administration o number 2 man ng PNP, kasama sa Command Group sina MGen. Edgar Allan Okubo at MGen. Neri Ignacio.
Matatandaang binaliktad ng NAPOLCOM noong nakaraang linggo ang balasahang ipinatupad ni Torre.