dzme1530.ph

PNP, nakipagkasundo sa LazadaPH para mapigilan ang pagbebenta ng mga damit pang-pulis na nagagamit sa krimen

Nilagdaan ng Philippine National Police (PNP) at Lazada Philippines ang isang memorandum of agreement (MOA) na may layong mapigilan ang pagbebenta at pagma-manufacture ng mga PNP clothing sa Camp Crame.

Ayon kay PLtGen. Rodel Sermonia, malaki ang maitutulong ng Lazada dahil mapipigilan na ang paggamit ng damit pang-pulis ng iba na hindi naman miyembro ng pambansang pulisya.

Ang mga gamit at damit pang-pulis aniya ay eksklusibo lamang sa miyembro PNP at kung sinuman ang mapatunayang gumagamit nito lalo na sa krimen ay tiyak na mananagot sa batas.

Sa MOA, ipinagbabawal na ang pagpapadala ng mga damit pang-pulis sa hindi otorisadong manufacturer ng gamit at damit ng mga alagad ng batas.

Naniniwala ang PNP na ang suporta ng bribadong sector gaya ng Lazada ay makakatulong para maiwasan ang krimen na ginagamit ng mga bulaang pulis. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author