Patuloy na mino-monitor ng Philippine National Police (PNP) ang 38 potential private armed groups sa bansa.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, bumaba na ang bilang na ito mula sa 43 noong una matapos mawala ang ilan dahil sa mga aktibong miyembro nito ang naaresto na at nasampahan ng kaso.
Karamihan din aniya sa mga nawala sa listahan ay naka base sa Mindanao.
Samantala, sinabi rin ni Fajardo, bukod sa mga potential armed group, apat na active armed groups pa ang kanilang mino-monitor na maaari aniyang magdala ng kaguluhan o makaapekto sa nalalapit na halalan sa Oktubre. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News