dzme1530.ph

PNP, nagsalita na kaugnay sa umano’y pagkakasangkot sa pagkawala ng 2 aktibista sa Bataan

Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang paratang ng mga militante na pawang mga pulis at sundalo umano ang dumukot sa 2 aktibista sa bayan ng Orion, Bataan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, iniulat sa kanila ng Bataan Provincial Police Office na may dalawang kabataang nawawala sa naturang probinsya na kinilalang sina Jhed Tamano at Jonila Castro.

Sina Tamano at Castro ay mga Environmental at Human Rights Defender at base sa grupong Karapatan ay dinukot umano ng mga armadong lalaki sa Orion noong gabi ng Setyembre a-2.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa mga magulang ng 2 batang aktibista na napaulat na dinukot.

Sinabi ni Fajardo na maliban sa mga magulang ay may mga hakbang na ring ginagawa ang PNP gaya ng pakikipag-ugnayan sa Commission on Human Rights para makumbinsi sina Tamano at Castro na umuwi na. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author