![]()
Nagpapatupad ang Philippine National Police ng heightened security measures sa mga pangunahing energy facilities sa bansa kasunod ng deklarasyon ng national energy emergency sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., nakaalerto ang kanilang mga tauhan upang agad masawata ang anumang pagtatangkang samantalahin ang sitwasyon.
Sinabi ni Nartatez na nagdagdag sila ng mga tauhan sa mga substations, transmission lines, at power plants upang matiyak na hindi magkakaroon ng power shortages.
Magtatalaga rin anya ng mga tauhan sa mga gas stations at energy plants upang matiyak na hindi magkakaroon ng supply disruption.
Nakalatag na rin anya ang kanilang contingency measures upang matiyak na tuloy-tuloy ang police operations sa kabila ng posibleng power interruptions.
