dzme1530.ph

PNP, NAGHAHANDA NA SA MGA KILOS PROTESTA SA UNANG ANIBERSARYO NG PAGDAKIP AT PAGSUKO KAY FPRRD SA ICC

Loading

Pinaghahandaang na ng Philippine National Police ang mga kilos protesta sa March 11 kasabay ng unang anibersaryo ng pagkakaaresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

Inaasahan ng pulisya na isasagawa ang mga protesta sa kahabaan ng EDSA hanggang Villamor Airbase sa Pasay City.

Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., na patuloy nilang minomonitor ang developments sa mga paghahanda, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, upang matiyak ang public safety.

Ipinaalala ni Nartatez na nirerespekto nila ang karapatan ng iba’t ibang grupo para sa peaceful assembly, at mandato nila ang tiyakin ang peace and order.

Tiniyak din ng heneral na magde-deploy din sila ng mga tauhan sa Davao City para magbantay sa iba’t ibang aktibidad.

About The Author