Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng fake news na naguudyok ng kaguluhan o panic.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., sa ilalim ng Presidential Decree 1727 ang malisyosong pagpapakalat ng maling impormasyon o bomb threat ay may paruasang limang taong pagkakakulong o multang hindi bababa sa P40,000.
Maaari ding maharap ang salarin sa paglabag sa RA 11479 O Anti-Terrorism Act of 2020 na may kulong na hanggang 12 taon.
Matatandaang isang email mula sa nagpagkilalang Takahiro Karasawa ang nagsasabing may sasabog na bomba sa MRT na agad namang pinabulaanan ng management ng MRT.
Patuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa nagpadala at nagpakalat ng maling imporyasyon na bomb threat. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News