dzme1530.ph

PNP, may persons of interest na sa pagkawala ng beauty pageant contestant at Israeli boyfriend

May ilang persons of interest (POIs) na ang PNP na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng beauty pageant candidate at sa kanyang Israeli boyfriend.

Pahayag ito ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, bagaman tumanggi muna itong tukuyin ang pagkakakilanlan ng POIs at kung ilan ang mga ito, upang hindi makompromiso ang imbestigasyon.

Batay sa mga report, nakipagkita umano ang Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 candidate na si Geneva Lopez at boyfriend nito na si Yitchak Cohen sa isang “middleman” sa Tarlac para tingnan ang mahigit 20 ektaryang lupain na balak nilang bilhin.

Gayunman, hindi na nakauwi ang dalawa hanggang sa may matagpuang ilang gamit ni Lopez, gaya ng ID, sa isang sunog na sasakyan.

Sinabi naman ni Capas Police Chief Lt. Col. Librado Maranag Jr. na patuloy sila sa paghahanap ng mga testigo na makatutulong upang matagpuan ang magkasintahan.

About The Author