dzme1530.ph

PNP, may natukoy nang posibleng source ng deepfake audio ni PBBM

May natukoy na ang Philippine National Police (PNP) na posibleng source ng kumalat na deepfake audio ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Jean Fajardo, sinisiyasat na ang posibleng pagkakadawit ng hindi pa tinukoy o pinangalanang source.

Kasabay nito’y patuloy ang pakikipagtulungan ng PNP Anti-Cybercrime group sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa imbestigasyon.

Tiniyak din ni Fajardo na mananagot ang nasa likod nito anuman ang kanilang intensyon.

Mababatid na sa nasabing deepfake audio na AI generated, ginamit ang boses ng pangulo at maririnig ito na tila nagpapahiwatig ng giyera laban sa China.

About The Author