dzme1530.ph

PNP, may magandang lead sa posibleng kinaroroonan ni Pastor Quiboloy

Mayroon nang magandang lead ang pulisya na maaring magturo sa kanila sa kinaroroonan ng puganteng pastor na si Apollo Quiboloy.

Tumanggi muna si PNP Spokesperson Police Colonel  Jean Fajardo na magbigay ng karagdagang detalye, subalit sinabi niya na magandang development ito sa paghahanap sa lider  ng Kingdom of Jesus Christ.

Ang naturang development ay kasunod ng pagsuko ng kampo ni Quiboloy ng limang baril, habang labing apat na iba pa  na kanyang pag-aari ay ibinenta noong December 2023, matapos bawiin ng PNP ang lisensya ng mga baril noong Abril.

About The Author