dzme1530.ph

PNP, mas palalakasin ang character at background investigation sa pag-recruit ng mga pulis

Palalakasin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang character and background investigation matapos ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa iligal na gawain kasama na ang paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, malaki ang maitutulong ng National Police Clearance para malaman kung may mga previous records ang mga nag a-apply pa lamang para mapabilang sa kanilang hanay.

Magiging mabusisi rin sa pagpili sa mga nangangarap na maging pulis at ipapairal ang nameless, faceless recruitment.

Aminado si Fajardo, na may lapses sa mga training sa mga bagong recruit dahil sa mga nakaraang insidenteng kinasasangkutan ng mga pulis.

Plano na rin PNP na dagdagan ang kanilang psychologists at psychiatrists para dumaan ang mga pulis sa maraming level ng psychological test.

Bahagi ito sa mga hakbang na ipinatutupad ng PNP para masigurong nasa matinong kaisipan ang mga pulis. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author