Makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan maging sa International Police (InterPol) para sa maaresto si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, malaking hamon sa pambansang pulisya kung walang extradition treaty sa bansang kinaroroonan ng dating mambabatas.
Matatandaang naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court kaugnay sa kasong murder, frustrated at attempted murder laban kay Teves at mga kasama nito.
Ganunpaman, kinumpirma ni Fajardo na mayroon nang binuong tracker teams ang Pambansang Pulisya para matunton ang kinaroroonan ni Teves. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News