dzme1530.ph

PNP, kinilala ang suporta ng mamamayan sa anti-drug operations sa Western Visayas

Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng iligal na droga sa Western Visayas.

Ayon kay Acorda, malaking tulong ang impormasyong natatanggap ng mga pulis mula sa komunidad na nagreresulta sa matagumpay na anti-drug operation.

Sa datos ng Police Regional Office 6, umabot sa P86-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng kapulisan sa nakalipas na dalawang buwan.

Ayon sa datos, maraming bulto ng shabu ang nakumpiska sa siyudad ng Bacolod at Iloilo City.

Sa huli, sinabi ni Acorda na mas lalong magiging agresibo ang pambansang pulisya para maresolba ang problema sa iligal na droga sa bansa. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author