![]()
Kinalampag ni Senador Robin Padilla ang Philippine National Police sa kaso ng bata na nasabugan ng paputok na para sa senador ay maituturing ng ‘bomba.’
Sa kanyang post sa Facebook, kinumusta ni Padilla ang PNP at tinanong kung ano na ang aksyon ng mga tinawag niyang tagapagligtas. Ipinunto ni Padilla na maituturing ng bomba ang sumabog noong Disyembre 28, 2025 ng gabi dahil nagkaputol-putol ang ilang bahagi ng katawan ng biktima.
Ayon pa kay Padilla, noong bata pa siya ay kaligayahan na niya ang paputok na 5 star at pinakamalakas na whistle bomb pero sa ngayon anya ay literal na bomba na ang mga ito.
Sa ulat, humiwalay ang tumilapon ang ilang bahagi ng katawan ng bata nang masabugan ng napulot nilang paputok.
Napaulat din na nag-iwan ng uka sa bangketa at nabasag ang salamin sa isang establisimyento dahil sa lakas ng pagsabog.
