dzme1530.ph

PNP, kinalampag ng Alyansa bets para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas upang maiwasan ang road rage

Loading

KINALAMPAG ng senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang Philippine National Police para sa mahigpit na implementasyon ng mga batas laban sa mga motoristang sangkot sa insidente ng road rage.

 

Sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson na mahigpit ngayon ang gun control measures lalo na ngayong campaign period, dahil sa gun ban ng Commission on Elections.

 

Nguni’t iginiit ni Lacson na wala nang dahilan para payuhan ang mga motoristang sangkot sa road rage na ang tanging magagawa ay dipensahan ang sarili sa korte.

 

Sinabi naman ni dating DILG Secretary Benhur Abalos na kailangang buhayin ang pagrespeto ng bawat isa sa batas na dapat sabayan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga ito.

 

Iginiit ni Abalos na mahalagang magkaroon ng police visibility sa lahat ng mga choke points o sa mga lugar na madalas na nagkakaroon ng problema sa trapiko.

About The Author