dzme1530.ph

PNP, itinanggi na may human rights violation sa isinagawang raid sa sa Las Piñas City

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na may iregularidad sa operasyon ng  National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos lumabas na may human rights violation sa nangyaring operasyon.

Ayon kay Public Information Office Chief P/Brigadier Gen. Red Maranan, lehitimo ang operasyon at sumunod sa protocol ang NCRPO.

Wala rin aniyang human rights ang nilabag at makikita ito sa imbestigasyon isinagawa ng PNP.

Dagdag pa ni Maranan na tukoy na ang nasa likod ng human trafficking pero sa ngayon ay hindi pa maaring isapubliko.

Samantala, hinigpitan naman ang seguridad sa pasilidad kung saan nananatili ang  ni-rescue na POGO workers. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author