dzme1530.ph

PNP, inilalatag na ang security measures sa batasan para sa ikalawang SONA ni PBBM

Inilalatag na ng PNP ang mga security measure para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na buwan.

Kabilang na rito ang PNP Mobile Command Center na magpa-patrol sa Batasang Pambansa Complex, sa Quezon City.

Makikita sa loob ng mobile center ang isang military-grade police drone na may kakayahang mag-jam ng signals at umatake sa mga hindi kilalang drones.

Ayon sa PNP, gagamitin ang device para sa monitoring at hindi sa profiling o red-tagging sa mga progresibong grupo na inaasahang magsasagawa ng mga kilos-protesta sa SONA. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author