Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa Philippine National Police na tiyakin ang police visibility sa mga paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang
Ginawa ni Gatchalian ang aksyon sa gitna ng sunud-sunod na karahasan sa mga paaralan, kabilang ang insidente ng bullying na nauwi sa pagkamatay ng biktima at ang kaso ng gurong binaril ng estudyante matapos itong bumagsak sa grado.
Ayon kay Gatchalian, dapat tiyakin ng PNP ang seguridad sa mga paaralan lalo’t mandato nitong unahin ang kaligtasan ng mamamayan.
Dagdag pa nito, ang presensya ng mga pulis sa bawat paaralan ay magbibigay ng peace of mind sa publiko matapos ang serye ng karahasan.
Kasabay nito, iginiit ng senador na dapat ding palakasin ang mga programa para sa guidance and counseling, gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng anti-bullying policies.
Aniya, ligtas at payapang kapaligiran ang pundasyon ng maayos na pag-aaral ng bawat kabataan.