dzme1530.ph

PNP, hindi makikipagtulungan sa ICC kung walang basbas ng pamahalaan

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang paninindigan ng pamahalaaan na hindi makakakuha ng suporta ang International Criminal Court (ICC) laban sa drug war ni dating Pangulong Duterte.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, nakasalig ang paninindigan ng pambansang pulisya sa  posisyon ng national government na hindi kilalanin ang ICC.

Aniya gaya ng katwiran ng pamahalaan, ang paninindigan din nito ay walang hurisdiksyon ang naturang korte na dinggin ang drug war ni Duterte dahil matagal nang kumalas ang Pilipinas sa ICC.

Giit ni Fajardo, gumagana ang justice system sa bansa gaya na lamang ng mga pulis na naparusahan matapos makitang may mga pagkakamali sa ginagawang operasyon.

Sinabi pa ni Fajardo na makipagtutulungan lang sila sa ICC kung bibigyan sila ng basbas ng gobyerno. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author