dzme1530.ph

PNP, hindi kinakailangang magdeklara ng heat stroke break para sa kanilang mga miyembro

Naniniwala si Senador Ronald Bato dela Rosa na hindi kailangan ng Philippine National Police na magdeklara ng heat stroke break para sa mga miyembro nito katulad ng ibinibigay sa mga empleyadong nakababad sa ilalim ng araw.

Sinabi ng dating hepe ng Pambansang Pulisya na madiskarte ang mga pulis at hindi sila papayag na mabiktima ng heat stroke o heat exhaustion.

Ipinaliwanag ni dela Rosa na sa mga panahon ngang hindi matindi ang init ng panahon ay nagagawa ng mga pulis na sumilong sa mga puno lalo na kapag matindi ang sikat ng araw.

Aminado naman si dela Rosa na hindi na niya alam ang sistemang ipinatutupad sa pagpapatrolya ngayon ng mga pulis.

Subalit nakatitiyak anya siyang marunong ang mga pulis na gumawa ng paraan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan sa gitna ng napakatinding init ng panahon.

About The Author