![]()
Handa na ang mga tauhan ng Philippine National Police sa pagtiyak sa seguridad sa ikatlong anti-corruption rally sa February 25.
Ang ikatlong Trillion Peso March ay kasabay ng paggunita sa 40th Anniversary ng Edsa People Power Revolution.
Inatasan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez ang National Capital Region Police Office at iba police commanders na tiyakin ang sapat na deployment kasabay ng koordinasyon sa mga organizers.
Ipinaalala ni Nartatez na mahalagang mapanatili ang kapayapaan sa aktibidad kasabay naman ng paggalang sa karapatan ng mamamayan sa mapayapang pagtitipon at pagpapahayag.
Una na ring nagsagawa ng Trillion Peso March noong September 21 at November 30, 2025. | via Dang Garcia
