dzme1530.ph

PNP-FEO, inirekomendang kanselahin ang lisensya ng mga baril ni Pastor Quiboloy

Inirekomenda ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP) na bawiin ang license to own and possess firearms ni Kingdom of Jesus Christ Leader Apollo Quiboloy.

Inihayag ni FEO PIO Chief Pol. Maj. Lady Lou Gonzales na ipinauubaya na nila ang approval ng kanilang rekomendasyon kay PNP Chief P/Gen. Rommel Marbil.

Una nang nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa PNP na tigilan na ang pagpapalusot, at kanselahin na ang gun permits ng kontrobersyal na Pastor.

Binigyang diin ni Hontiveros na sa dami at bigat ng mga nakabinbing kaso laban kay Quiboloy, gaya ng Human Trafficking na non-bailable at habang buhay na kulong ang parusa, ay marapat lamang na kanselahin ang lisensya ng mga armas nito.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col.Jean Fajardo, mayroong 19 na baril si Quiboloy at isa rito ay nag-expire na ang lisensya noong Marso.

About The Author