![]()
Sa kabila ng matinding mga hadlang, tiniyak ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na committed silang papanagutin ang negosyanteng si Charlie Atong Ang sa kanyang mga kaso.
Kasabay nito, ikinatuwa ni Nartatez ang pakikipagtulungan ng Cambodian Government sa pagtukoy sa mga kilos ng puganteng negosyante.
Patunay anya ito ng magandang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Nartatez na patuloy din ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maberipika ang mga impormasyong kanilang natatanggap kada araw kaugnay sa posibleng pinagtataguan ni Ang.
Si Ang ay inisyuhan ng warrant of arrest dahil sa mga kasong kidnapping with homicide at serious illegal detention kaugnay sa missing sabungeros.
May 10 milyong pisong pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan niya.
