dzme1530.ph

PNP-CIDG, puspusan ang pagsasaayos ng mga dokumento para sa mga kaso nina Quiboloy at 4 na kapwa akusado

Puspusan na ang isinasagawang pagsasaayos ng mga dokumento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group para sa mga kaso nina Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy at apat pa nitong kapwa akusado.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, para ito sa pagpepresenta sa 5 akusado ng pulisya ngayong araw sa harap ng Pasig at Quezon City RTC kaugnay sa kinakaharap na mga kaso ng mga ito.

Nakausap na rin anya kagabi nina Quiboloy ang kanilang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon nang bumisita ito sa Custodial Facility sa Camp Crame.

Wala pang detalye kung alin sa QC RTC at Pasig RTC ang uunahin para sa return of warrant. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author