dzme1530.ph

PNP-CIDG, naghain ng patong-patong na reklamo sa DOJ laban kay FPRRD dahil sa bantang pagpapapatay sa 15 senador

Loading

Naghain ng patong-patong na reklamo ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group laban kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte, kahapon.

Ito’y dahil sa banta nitong ipapapatay ang 15 senador sa pamamagitan ng bomba.

Ayon kay CIDG Dir. Maj. Gen. Nicolas Torre III, isinampa niya ang reklamong inciting to sedition at unlawful utterances laban kay Duterte.

Anya, hindi na maaaring itago sa likod ng palusot na ‘joke’ ang mga pagbabantang katulad ng pagpapapatay sa mga senador.

Sa ngayon, umuusad na ang case build-up tungkol dito at kung saan matutukoy kung tutuloy ito sa preliminary investigation.

Giit pa ni Torre, inihain niya ito bilang isang mamamayan at isang pulis na nag lilingkod sa bayan.

Habang bukas at handa aniya ang CIDG na makipagtulungan sa mga senador na nais rin magsampa ng kaso laban sa dating pangulo.

About The Author