Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na bakantehin na sa lalong madilang panahon ang mga posisyon ng mga opisyal na sangkot umano sa drug trade.
Ayon kay Acorda, effective immediately ang resignation na tinanggap ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ito ay dumaan sa National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na sinala at pinag-aralang mabuti.
Aniya sa bilang na 953, 935 dito ang nirekomendang wag tanggapin ang resignation habang 18 ang tinanggap. Kabilang sa mga tinanggap ay sina:
- PBGEN Remus Balingasa Medina O-10038
- PBGEN Randy Quines Peralta O-05124
- PBGEN Pablo Gacayan Labra II O-03734
- PCOL Rogarth Bulalacao Campo O-08477
- PCOL Rommel Javier Ochave O-08085
- PCOL Rommel Allaga Velasco O-08084
- PCOL Robin King Sarmiento O-03552
- PCOL Fernando Reyes Ortega O-07478
- PCOL Rex Ordoño Derilo O-10549
- PCOL Julian Tesorero Olonan O-12395
- PCOL Rolando Tapon Portera O-07520
- PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe O-12905
- PCOL Dario Milagrosa Menor O-07757
- PCOL Joel Kagayed Tampis O-08180
- PCOL Michael Arcillas David O-07686
- PCOL Igmedio Belonio Bernaldez O-12544
- PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr O-08061
- PCOL Marvin Barba Sanchez O-08043
Ilalagay ang mga pangalang nabanggit sa Personnel Holding and Accounting Unit ng Directorate for Personnel and Records Management para hindi magamit ang kanilang posisyon bilang impluwensya sa kahaharapin nilang kaso. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News