dzme1530.ph

PNP Chief Acorda, pinayuhang maging istrikto sa pagdisiplina sa kanyang mga tauhan

Pinayuhan ni Senador Ronald ‘Bato’ si PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na maging istrikto sa pagpapatupad ng kanyang awtoridad sa kanyang mga tauhan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa sinasabing hindi makatao at marahas na pagpapatupad ng suspension order laban kina Mayor Samson Dumanjug at Vice Mayor Evelyn Dumanjug, sinita ni del Rosa ang mga tauhan ng pulisya sa Bonifacio, Misamis Occidental matapos na isnabin ng mga ito ang tawag ni Acorda.

Sa salaysay ng abogado ng suspendidong Mayor at Vice Mayor Evelyn Dumanjug, sinabi nito na tinawagan niya si Acorda upang ikonsulta ang pagtutol ng mga pulis na makausap niya ang kanyang mga kliyente nang araw na paalisin sila sa munisipyo.

Ayon sa abogado, kinumpirma ni Acorda na paglabag sa karapatang pantao ang aksyon ng mga pulis kaya’t hiniling nitong makausap ang hepe ng Bonifacio Police na si P/Major Richel Sumagang at maging ang Deputy nito na si P/Capt. Mark Albert Bienes.

Subalit tumanggi umano ang mga pulis na kausapin ang chief PNP.

Sa puntong ito, nairita si dela Rosa at iginiit na kung sa kanya ginawa ang pang-iisnab ng kanyang mga tauhan ay agad siyang magtutungo sa Misamis Occidental at pagsisipain ang mga pulis.

Kinuwestyon din ni Dela Rosa ang tila ang loyalty ng mga pulis sa lokal na pamahalaan sa halip sa kanilang PNP Chief.

Mas lalong nag init ang ulo ni Dela Rosa matapos na idahilan ni Bienes na pinagbabawal sila na magsalita kaya hindi sinagot ang PNP Chief dahil may nakatalaga na tagapagsalita sa naturang insidente. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author