Nagtatag ng Special Task Group ang Philippine National Police (PNP), matapos ang pamamaril sa isang photo journalist sa Quezon City.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan na siya ring focal person ng Presidential Task Force on Media Security, itiinatag ang SITG Abiad para palawakin at laliman pa ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.
Aniya, hihimayin ng SITG ang lahat ng mga ebidensya at testimonya ng mga saksi, mga kaanak at katrabaho nito upang matukoy ang nasa likod at motibo sa krimen.
Nangako rin ang PNP na igagawad ang hustisya sa mga biktima at papanagutin ang mga salarin.
Matatandaang nakunan pa ng CCTV, ang pamamaril sa photo journalist, sa kapatid nito at sa 4 na taong gulang nitong pamangkin habang papauwi na sa kanyang bahay sa Masambong, QC.
Samantala, mariing kinondena ng NCRPO Press Club ang insidente at sinabing nakikipaglaban ang mga biktima sa ospital. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News