“Plunder” ang nararapat na kaso sa mga opisyal ng gobyerno at contractors na sangkot sa maanomalyang flood control projects, ayon kay Cong. Terry Ridon, chairman ng Committee on Public Accounts.
Ipinagtanggol ni Ridon ang imbestigasyon dahil ito ay panawagan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Target ng Infra Comm na siyasatin ang ₱55-million reinforced concrete river wall sa Baliuag, Bulacan, na natuklasang non-existent project. Ang kontrata ay nakuha ng SYSM Construction Trading.
Samantala, natuklasang substandard ang flood mitigation project sa Calumpit, Bulacan, na pinangunahan ng St. Timothy Construction at Wawao Builders.
Sa pagdinig, inamin ni dating Bulacan 1st Engineering District engineer Henry Alcantara ang kanyang kapabayaan. Aniya, sobra ang kanyang pagtitiwala sa mga tauhan kaya hindi na nito personal na na-inspeksyon ang mga proyekto.