Bilang pakikiisa sa Women’s Month, puro kababaihan ang mamumuno sa plenary sessions sa Kamara simula ngayon hanggang Mar 7.
Salig sa Section 15, Paragraph IV ng house rules, itinalaga ni Speaker Martin Romualdez ang ilang lady legislators’ para mag-preside sa plenary sessions.
Kabilang dito sina Reps. Linabelle Ruth Villarica ng Bulacan, Stella Quimbo ng Marikina, Maria Rachel Arenas ng Pangasinan, Anna Marie Villaraza-Suarez ng Partylist Alona, at Laarni Lavin Roque ng Bukidnon.
Si Bataan 3rd Dist. Rep. Maria Angela Garcia ang aaktong House Majority Leader habang si Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera ang Minority Leader.