dzme1530.ph

Plebesito para sa Cha-cha sa Oktubre hanggang sa susunod na taon, imposible!

Aminado si Comelec Chairman George Garcia na imposible na ang pagdaraos ng plebesito para sa isinusulong na Charter Change pagsapit ng Oktubre hanggang sa susunod na taon.

Ipinaliwanag ni Garcia na sa gitna ng suspensyon ng kanilang mga patakaran na may kinalaman sa People’s Initiative bukod pa sa nagpapatuloy na imbestigasyon, malabo nang maisakatuparan ang plebesito sa Oktubre na panahon ng filing ng Certificate of Candidacy para sa 2025 elections.

Una rito, iginiit ni Senador Risa Hontiveros na nais ng mga nagsusulong ng Cha-cha na maisakatuparan na ang plebesito sa Oktubre.

Ito anya ang dahilan kaya’t minamadali ng mga proponent’s ng Cha-cha ang People’s Initiative bukod pa sa paulit-ulit na paghihikayat ng mga Kongresista sa Senado na tapusin ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses no. 6 o ang economic Cha-cha bill hanggang Marso.

Ipinaalala rin ni Hontiveros ang nauna na ring kasagutan ng poll body na wala silang panahon, pondo at administrative capacity upang isagawa anng plebisito sa gitna ng paghahanda nila sa midterm elections.

 

About The Author