Suportado ni Sen. JV Ejercito ang pasya ni bagong Transportation Sec. Vince Dizon na suspindihin muna ang PUV Modernization Program habang hindi pa naisasapinal ang pagrepaso rito.
Sinabi ni Ejercito na mas magandang mapag-aralang mabuti ang implementasyon ng programa upang matiyak na magiging epektibo ang pagpapatupad nito.
Hindi anya tamang ipatupad agad ang isang programa na hindi pa naman ganap na handa ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa implementasyon nito.
Una rito kinumpirma ni Senator President Francis Escudero na sa pakikipag-usap niya kay Dizon, nangako ang kalihim na sususpindihin muna ang programa habang patuloy ang pag-rereview.
Una nang inaprubahan ng Senado ang isang resolusyon na nananawagan na ipagpaliban muna ang programa hangggat hindi natutugunan ang reklamo at problema ng drivers at operators na apektado ng programa.