dzme1530.ph

Planong rate cut ng BSP, posibleng maantala bunsod ng sigalot sa pagitan ng Israel at Iran

Loading

Posibleng maantala ang rate cut na planong ipatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas bunsod ng sigalot sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng Ways and Means panel, kung manatili sa $80 per barrel sa loob ng tatlong buwan ang presyo ng krudo, siguradong ipagpapaliban ng BSP ang sana ay cut sa policy interest rate.

Sa kabila ito ng pahiwatig ni BSP Gov. Eli Remolona Jr. na posible pa ang panibagong 25 basis points rate cut ngayong taon, base sa pulong ng Monetary Board.

Gayunman, dahil sa pangyayari sa Gitnang Silangan, posible magdahan-dahan ang BSP sa kanilang desisyon.

Sinabi pa ni Salceda na ang inflation sa mga darating na buwan ay epekto na ng external factors, at hindi ng monetary policy.

Sa ngayon, todo bantay umano ang BSP sa mga nangyayaring ‘global uncertainties’ lalo na ang direktang epekto sa presyo ng langis at iba pang kalakal

About The Author